Isang polyetong reaksyon ni Fr. Jose Rodriguez na kumokontra sa mga nilalaman ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Ito ay nagbababala sa mga tao na wag magbasa ng mga "masasamang" libro na tumataliwas daw sa mga kautusan ng Santa Iglesia. Ang "Caingat Cayo" (Mag-ingat Kayo) ay ginawan ng parodya ni Marcelo H. del Pilar na pinamagatan na "Caiigat Cayo" (Maging kasingdulas kayo ng Igat).