Ang “Urbana at Feliza” na ang buong pamagat ay “Pagsusulatan nang Dalawang Binibini na si Urbana at si Feliza” ay binubuo ng palitan ng liham ng dalawang magkapatid. Ang lalong bata, si Feliza, ay nag-aaral sa isang kolehiyo ng mga babae sa Maynila, samantalang ang nakatatanda, si Urbana, ay puno ng pangaral sa kaniyang kapatid hinggil sa kung ano ang dapat ugaliin sa iba’t ibang pagkakataon. Binabanggit niya ang mga tukso at panganib sa landas ng kabataan at sinasabi kung paano maiilagan ang mga ito.