Isinalaysay dito ni Tandang Bacio ang kwento tungkol sa pagkapariwara ng isang mayamang binatang nagngangalang Proper, nang pag-aralin siya ng kanyang mga magulang sa Maynila. Ipinapakita sa Si Tandang Basio Macunat ang paniniwala ng mga Kastila na ang mga "indio" ay hindi maaaring magkaroon ng ibang gawain bukod sa pisikal na paggawa, at tanging ang mga Pilipinong nasa mataas na antas lamang ng lipunan ang maaaring mag-aral sa mga pamantasan at paaralan.