Ito ay ang liham na isinulat ni Jose Rizal sa London para sa mga kababaihan ng Malolos noong 1889. Inakda niya ang liham dahil sa hiling ni M. H. del Pilar, para purihin ang katapangan ng mga binibini sa pagtatatag ng paaralan kung saan sila'y makakapag-aral ng Espanyol, sa kabila ng pagtutol ni Padre Felipe Garcia, isang Kastilang prayle na taga-Malolos.