Sa kapahintulutan ng sumulat, pinalimbag ng Lupong Tagaganap ng Araw ni Bonifacio ang Kartilyang Makabayan noong 1922 upang ang salaping mapagbibilhan ay igugol sa bantayog na itatayo sa pook na pinanganakan kay Andrés Bonifacio. Ang bilang ng saling ipinalimbag ay 5,000 at ang salaping kailangang likumin ukol sa nasabing pakay ay humigit kumulang sa P1,500.00.