Isang talambuhay ni Jose Rizal na isinulat ni Pascual Poblete, na siya ring unang nagsalin ng Noli me Tangere sa Tagalog. Nakasalaysay dito ang buhay ng ating pambansang bayani, mula sa pagkapanganak hanggang pagkamatay. Ang libro ay naglalaman ng mga larawan, at ipinalimbag ng kapatid ni Jose na si G. Neneng Rizal noong 1909.