Ito ay isang nobelang patula na isinulat ni Patricio Mariano, tungkol sa buhay ng isang babae at ang kanyang mga pinagdaanan sa kawalang hustisya ng isang kapitalistang lipunan. Ipinapakita rin dito ang pang-aabuso ng Kastila at Amerikano sa Pilipinas, sa pamamagitan ng istoryang isinalaysay ni Ata, isang trabahador sa pabrika, sa kanyang anak na si Teta. Ang kuwento ay tungkol kay Mutya, na nabiktima ng dalawang lalaking nagngangalang Dulong (Espanya) at Limatik (Amerika).