Ang Florante at Laura na akda ni Francisco Baltazar (mas kilala sa tawag na Balagtas) ay itinuturing na isa sa mga obra-maestra ng Panitikan ng Pilipinas. Isinulat ni Balagtas ang epiko sa panahon ng kanyang pagkabilanggo. Inialay niya ito sa kanyang kasintahan na si María Asuncion Rivera, na binigyan niya ng palayaw na "M.A.R," at tinutukoy bilang "Selya" sa paghahandog (dedication) na "Kay Selya."