Hinango sa Año Cristiano at sa librong Historia Sagrada na tinula ni Cleto R. Ignacio, ang Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona ay kuwento ng buhay ni Santa Margarita de Cortona, isang pransiskanong penitente mula sa Italya. Siya ay nabuhay noong ika-13 siglo at nakanonisa noong 1728. Siya ay nagtatag ng isang ospital para sa mga mahihirap, at tinuturing na santa ng mga ulila, walang tahanan, may sakit sa isip, at mga palaboy.