Sinimulan ng Pilipinong mamamahayag na si Honorio Lopez ang almanak na ito sa wikang Tagalog noong 1898, at simula noo'y nagsilbi na itong "bibliya" ng mga ordinaryong tao para malaman ang astrolohiya, lagay ng panahon, at mga kaarawan ng mga sikat na tao. Ang edisyong ito ay naglalaman ng impormasyon para sa taong 1920.