Iba't ibang kuwento tungkol sa magandang asal ang naisulat noong panahon ng pananakop ng Kastila
sa Pilipinas. Ang mga kuwentong ito kagaya ng Eliseo at ni Hortensio ay ginamit rin upang ipalaganap ang relihiyong Kristiyano.
Ang Eliseo at Hortensio ay binabasa na parang isang kanta sa pamamahay nila Jose Rizal. Naalala ni Jose Rizal ang isa sa mga bumubuong tauhan sa kuwentong ito at isinulat niya ito sa pamilya niya habang siya ay nasa Heidelburg sa Alemania. Ang librong ito ay isang Patnubay nang Cabataan kaya mas binigyan ng importansiya ang pagpapahiwatig ng tamang asal kaysa sa ganda ng kuwento.